Ginang sa Goa, Camarines Sur, patay matapos tagain at pugutan ng ulo ng sarili nitong hipag

CAMARINES SUR – Patay ang isang ginang sa bayan ng Goa, Camarines Sur, matapos tagain at pugutan ng ulo ng sarili nitong hipag dahil sa away sa lupa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Rodolfo Borromeo, Chief of Police ng Goa Municipal Police Station, pasado alas-dos ng hapon nitong Sabado, Marso 2024, habang ang biktimang si Rebecca Panuelos, magsasaka at residente ng Brgy. Matacla, naglilinis ng fishpond na nasa Brgy. Gimaga, na pagmamay-ari umano ng suspek na si Joselito, na inaangkin din umano ng biktima dahil sa nabili na ito, nang biglang tumungo sa lugar ang suspek bitbit ang bolo, kinumpronta ang alalay ngunit ang biktima ang lumapit, nagkaroon ng argumento, at doon tuluyang tinaga at pinugutan ang biktima, matapos ang insidente, kusa namang sumuko ang suspek sa mga otoridad.

Ayon pa sa imbistigasyon, matagal nang may alitan ang suspek at ang biktima sa isa’t-isa dahil sa parte sa lupa.

Nakapanayam naman ng BNFM Naga ang suspek, ayon dito, dati nang tinanggalan ng tubig ang fishpond na negosyo niya kung saan nalugi at nang araw na iyon inisip niyang ma-uulit ang insidente kaya hindi niya na napigilan ang sarili na ngayon ay pagpatay o murder ang kasong isinampa.

Salamantala, hustisya pa rin ang hinihingi ng pamilya sa nangyari, at ilan sa sinasabe ng suspek pinapawalang katotohanan ng pamilya ng biktima.

❤️

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *