Ginang, tinaga at pinugutan ng ulo sa Goa, Camarines Sur

CAMARINES SUR- “Sobrang sakit na mawalan ng magulang na hindi ang Panginoon ang kumuha kundi tao lamang”

Ito ang humahagolhol na mensahe ni James Panuelos, anak ng ginang na tinaga at pinutulan pa ng ulo sa Goa, Camarines Sur.

Sa ulat ng Goa Municipal Police Station, sinabi ni PMAJ Rodolfo Borromeo pasado alas-dos ng hapon nitong Sabado Marso 2, 2024 naglilinis ng fishpond sa Barangay Gimaga ang ginang na nakilala ng BNFM Naga na si Rebecca residente ng Barangay Matacla nang bigla na lamang tagain ng suspek na bayaw ng biktima.  Hindi lamang taga kundi pinutol ang ulo at itinapon. Natagpuan ito ng PNP, 15 metro ang layo sa bangkay.  Sumuko sa mga otoridad ang suspek matapos ang insidente. Matagal nang away sa lupa ang dahilan ng krimen.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa suspek na si “Joselito” , sinabing pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kaniyang hipag , nabanggit pa nito ang umano’y pakiki-alam ng biktima sa problema ng magkakapatid.  Mahaharap na ito sa kasong murder.  

Hustisya ang hinihingi ng pamilya sa nangyari, at ilan sa sinasabi ng suspek pinapawalang katotohanan ng pamilya ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *