Giyera sa Israel, wala raw epekto sa ekonomiya ng bansa

Hindi raw nakikita ng economic managers na na may malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang nagpapatuloy pa ring gulo sa Israel.

Sa Malacanang press briefing, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) secretary Arsenio Balisacan na wala pa raw matibay na rason para maramdaman ang impact ng Israel-Hamas conflict sa ating ekonomiya.

Bago ito, una nang sinabi ng mga political analysts at economists na binabantayan nila sa ngayon ang posibleng epekto ng giyera sa world economy, na posibleng maging dahilan sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *