Global COVID-19 death toll, nasa mahigit 3.12-million na

Pumalo na sa mahigit 3.1-million ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 base sa tala ng iba’t-ibang sources na inipon ng international media company na Agence France-Presse.

Naitala sa India ang pinakamaraming bilang ng mga bagong nasawi matapos nitong umabot sa 2,771.

Sinundan naman ito ng 1,139 deaths sa Brazil at 496 na fatalities sa Iran.

Sinabi rin ng AFP na umabot na sa mahigit 147.7-million ang bilang ng mga nairehistrong COVID-19 cases sa buong mundo.

Ang nasabing bilang ay base sa daily tolls na ibinibigay ng health authorities sa bawat bansa, hindi pa kasama ang re-evaluations ng mga statistical organizations tulad nang nangyari sa Russia, Spain at Britain.

Base sa datos ng iba’t-ibang bansa ay umabot sa 10,840 ang bilang ng mga bagong fatalities sa buong mundo habang nasa 715,609 naman ang bilang ng mga bagong infections. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *