Gloc-9, iniregalo ang kantang ‘Sirena’ para sa kanyang gay son

Naging emosyonal si Gloc 9 ng pagusapan ang 2012 smash hit na ‘Sirena,’ na naging awit na ng LGBT community sa loob ng maraming taon.

Ngunit sa unang pagkakataon, inihayag ng rapper na iba na ang meaning nito para sa kanya, lalo na’t inamin na ng kanyang anak na parte rin ito ng komuninad.

Noong sinulat daw niya ang kanyang hit song, hindi pa raw alam ni Gloc-9 na gay ang anak niyang si Sean Daniel.

Ngunit patunay raw na mahal na mahal niya ang kanyang anak dahil proud siyang sabihin ito sa buong mundo.

Kaya parang regalo na raw niya sa anak niya ang “Sirena”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *