Uncategorized

Go, handang sumailalim sa most comprehensive drug test

Nanindigan si Senator at presidential aspirant Christopher “Bong” Go na handa siyang sumailalim sa drug test anumang oras, para tiyakin sa mga mamamayan na siya ay mentally at physically fit na gampanan ang trabaho bilang pangulo.

Giit ni Go, karapatan ng bawat botante na malaman ang anumang kondisyon na maaring lubhang makaapekto sa abilidad ng kandidato na magampanan ang kanyang potential role.

“Walang problema sa akin. Anytime, kahit saan. Karapatan ng bawat Pilipino na malaman if you are fit to lead this country. Ayoko lang makipag-unahan sa kanila. Kung maaari ‘yung kumpletong drug test na talaga,” saad ni Go.

“Maraming klaseng drug test—may ihi, may hair follicle. So, kung ano ‘yung pinakakumpleto para walang pagdududa sa atin… Aside from drug tests, kahit neuro test. Ang importante mapatunayan natin we are fit to lead this country,” dagdag ng senador.

Sa gitna nito, nilinaw ng mambabatas na ang desisyon ay kailangang gawin ng boluntaryo, bilang respeto sa legal rights ng isang indibidwal.

“Though hindi siya mandatory by law, ang importante ipakita natin sa publiko na wala silang maiiwang paghihinala,” inihayag pa ni Go.

“Ayokong makipagsiraan sa kapwa ko kandidato dahil kandidato rin ako, ‘no? Mahirap namang sabihin ko ito ang gawin mo, ito ang gawin nila. Dapat ito’y kusa para mapatunayan natin sa publiko na fit tayong mamuno ng ating bansa,”

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago