Local News

Lumang CP number puwede nang maging ‘forever’ kahit lumipat pa ng ibang network providers

SORSOGON CITY – Natuloy na rin ang batas na RA 11202 o Mobile Number Portability Law (MNP), kung saan mayroon nang opsyon ang mga subscribers na mapanatili pa rin ang kanilang old mobile  number kahit lumipat ng ibang network providers.

Ayon sa NTC, sa ilalim ng batas, puwede nang lumipat ang isang subscriber sa ibang network o lumipat mula sa postpaid papuntang prepaid o vice versa na hindi na nagpapalit ng number.

Layunin ng batas na maprotektahan ang mga subscribers, lalo na yaong gustong lumipat na ng service provider dahil hindi na sila masaya sa serbisyo ng kanilang dating service provider.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng healthy competition ang mga telcos dahil makakahikayat ito na pagbutihin nila ang kanilang serbisyo.

Malaya umanong pumili ng service provider ang isang consumer habang gamit ang kanyang MNP.

Ang MNP ay kailangan na irehistro sa telecommunication company na napili, ito ay nakasaad sa lifetime cellphone act.

Ayon pa sa nasabing batas, mumultahan ng aabot sa P1 milyon at maaaring isawalang bisa ang prangkisa ng mga telecommunication firm na hindi susunod sa mga patakarang nakapaloob sa nabanggit na batas.

Binibigyan din ng 24 oras ang mga telecommunication provider na tuparin ang hiling ng isang subscriber na gamitin nila ang kanilang lumang number o baguhin ang subscription plan.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Cong Villafuerte – nanindigang ‘constitutional’ ang panukalang i-reschedule ang 2025 BSKE sa 2026

Iginiit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na malinaw sa Supreme Court decision na pwedeng…

1 hour ago

Mahigit 400 pulis sa Metro Manila, natanggal sa serbisyo

Umabot na sa 480 pulis sa National Capital Region ang sinibak sa pwesto dahil sa…

1 hour ago

Road restriction advisory kaugnay sa ipatutupad na Car free Sunday sa Maynila, inilabas ng Manila Traffic and Parking Bureau

Alinsunod sa ipinatutupad na Car Free Sunday sa Maynila, naglabas ng road restriction advisory ang…

1 hour ago

Tubig sa Naga at karatig bayan, patuloy na binabalanse-MNWD

NAGA CITY –Umabot na sa isang buwan ang ginagawang rehabilitation sa mga transmission and distribution…

2 hours ago

Clean up drive and Feeding Program gipahigayon sa sa tulo ka zona sa Brgy. 3 dakbayan San Carlos

Malampuson nga gipahigayon ang Clean up Drive ug Feeding Program ngadto sa tulo ka zona…

2 hours ago

Estudyante at guro, nahirapan huminga dahil sa usok nasunog na Old  Balatas Dumpsite

NAGA CITY- Naapektuhan ang usok at amoy ang nasusunog na basura ang ilang mga estudyante…

2 hours ago