Go ikinatuwa ang paglagda ni PRRD sa AO na nagibibgay ng hazard pay sa mga government employees na pumasok noong ECQ at MECQ

Pinuri ni Sen. Christopher Bong Go ang paglalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Administrative Order No. 43 nag-uutos para bigyan ng hazard pay ang mga empleyado ng gobyerno na pisikal na nagreport sa kanilang trabaho noong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang kanilang mga lugar.

Ayon kay Go karapat-dapat ang mga government workers na makatanggap ng naturang harard pay dahil nilalalagay nila sa peligro ang kanilang buhay para lamang pumasok sa trabaho.

Dagdag pa ng senador kung tutuusin hindi kayang bayaran ng kahit ilang halaga ang serbisyong binibigay ng mga ito sa mga Pilipino.

Nakasaad sa AO 43 na ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay magmumula sa 2021 local government funds, habang ang para sa government-owned and controlled corporations, ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa 2021.

Sakali namang kulang ang kani-kanilang pondo, ang LGUs at GOCCs ay pinapayagan na bawasan ang ideal amount na P500 per day, pero mananatiling mandated na magbigay ng uniform amount ng hazard pay para sa lahat ng kwalipikadong personnel, kabilang na ang mga nasa contractual at job order status.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *