Go, kinilala ang mga modern-day heroes kasabay ng pag-alala sa ika-500 anibersaryo ng Victory of Mactan

Nagbigay-pugay si Senator Christopher “Bong” Go sa mga modern-day heroes na patuloy na lumalaban sa kapakanan at kaginhawaan ng mga Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na hamon na kinahaharap ng bansa, kasabay ng pag-gunita ng quincentennial anniversary ng  Victory of Mactan sa Lapu-Lapu City, Cebu noong April 27.

Sa kanyang talumpati bilang special guest, binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagsusuri sa nakaraan upang mas maintindihan ang kasalukuyan, at kampanteng harapin ang hinaharap.

Kaugnay nito, wenelcome rin ng senador ang pagkakataon na kilalanin ang katapangan at sakripisyo ng Visayan people na tumulong na mahulma ang bansa sa kung anu ito ngayon.

Sa gitna nito, nanawagan ang senador sa mga Pilipino na alalahanin ang mga bayani ngayon sa frontlines na nagpapatuloy sa naturang legasiya sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang buhay para mailigtas ang buhay ng iba at para sa kaayusan ng bansa.

Samantala, pinuri naman nito ang Duterte Administration sa pagkilala sa naturang mga kontribusyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng Order of Lapu-Lapu sa ilalim ng Executive Order No. 17 s. 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *