Go: Natl vaccination program on the right track; Mga kritiko, hinimok na tigilan ang pamumulitika, suportahan ang rollout

Kampante si Senator Christopher “Bong” Go na ‘on the right track’ ang vaccination program ng gobyerno, kasabay ng paghimok nito sa mga kritiko na tigilan ang pamumulitka, sa halip ay tumulong sa rollout.

Sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng sunog sa Quezon City, sinabi ni Go na ang bawat isa naman ay welcome na tumulong sa pagpapabilis ng rollout sa COVID-19 vaccines.

“Lahat naman po ng gustong tumulong ay welcome. I can’t speak on behalf of the President pero para sa akin po, lahat naman po ay welcome na tumulong,” saad ni Go.

“Tulungan lang po tayo lalo na kung makaka-promote po ito at makaka-encourage ng pagpapabakuna. Kaysa naman po batikusin ang pagbabakuna, mas mabuti kung tulungan,” dagdag nito na tumutukoy sa inisyatibo ni Vice President Leni Robredo na tumulong sa vaccination drive.

“Kita n’yo naman po umiba na ‘yung ihip ng hangin. Noong unang panahon walang bakuna hinanap n’ya po, saan ang bakuna? Noong dumating ‘yung bakuna sabi niya, bakit ‘yan ang brand ng bakuna? Ngayon, nandidiyan na ang bakuna, sinasakyan na niya ang bakuna. Ang importante maengganyo po ang mga kababayan natin na magpabakuna,” giit nito.

Hinimok rin ng senador ang mga kritiko at mga miyembro ng oposisyon na huwag ipulitika ang bakuna, upang makamit ng bansa ang target na herd immunity ngayong taon. 

“Wala naman pong pulitika dito. Ang target natin dito ay makamtam ang herd immunity ngayong taon na ito. Kailangan nating makamtan ang herd immunity basta po mag-cooperate ang bawat Pilipino,” pahayag ng mambabatas.

Samantala, nilinaw ni Go na may temporary delay lang nang isuspende ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pag-gamit ng Sinovac COVID-19 vaccine, hanggang sa makuha ang Certificate of Analysis.

Giit ng senador, ito ay bilang pagtalima sa ethical at quality standards na itinakda ng Food and Drug Administration.

“Sang-ayon naman tayo dito sa mga ethical standards sa current good manufacturing practice o GMP regulation ng FDA kung saan po kailangan ng dokumento. Importante po ang kaligtasan at siguradong safe po ito,” paliwanag ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *