Go, pabor sa kautusan ni Duterte na huwag umalis ang mga vessels ng PH sa WPS, sa kabila ng banta na masira ang relasyon sa China

Pabor at suportado ni Sen. Bong Go ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos na ipag-utos nito sa mga vessels ng Pilipinas na huwag umalis ng West Philippine Sea.

Giit ni Go, ang mga vessels ng bansa ay may karapatan na manatili sa West Philippine Sea, lalo na ang mga nasa ilalim ng Exclusive Economic Zone.

Paliwang ng senador, ang pangulo ang chief architect ng foreign policy ng bansa, at bilang kilala umano niya ito sa loob ng mahigit dalawang dekada na, ay kampante umano siyang ang pangulo ang laging may over-all interest ng mga Pilipino.

“Bilang isang mambabatas, hangad ko na sana lahat ng anumang hindi pagkakaintindihan sa West Philippine Sea ay naidadaan sa maayos at diplomatikong usapan.  Mahalaga ang papel ng diplomasya rito at importanteng bukas po tayo sa maayos at tapat na pag-uusap sa ibang bansa” saad ni Go.

Dagdag nito, dapat ipagpatuloy ng dalawang panig ang pagpapakita ng kanilang commitment para sa peaceful settlement ng disputes, consistent sa kanilang international obligations at ang kanilang trabaho na maging responsableng miyembro ng international community.

At habang ang buong  mundo ay nagnanais na malampasan ang kasalukuyang pandemya, mas mainam na ang mga bansa ay patuloy na nagtutulungan upang puksain ang COVID-19 at huwag ng dagdagan ang gusot at hindi pagkakaintindihan. 

Katulad ng mga Pilipino, kailangan ng mga bansa ngayon ang magbayanihan upang madaling malampasan ang krisis bilang isang nagkakaisang sangkatauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *