Go, Padilla, pinangunahan ang pamamahagi ng financial aid sa Maasin City, Southern Leyte

Pinangunahan nila Senador Robinhood Padilla at Senador Christopher Bong Go ang pamamahagi ng financial aid sa mga tricycle drivers sa Maasin City, Southern Leyte.

Nasa halos 300 tricycle drivers ang nakatanggap ng ayuda na nagkakahalaga ng tatlong libong piso sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod dito, may mga relief items ding ipinamahagi sila Go at Padilla para sa mga benepisyaryo.

Sa pahayag ni Go, binigyang papuri nito ang mga tricycle drivers o TODA members na patuloy na kumakayod para sa kanilang pamilya.

Binigyang diin din niya ang hindi matatawarang papel ng mga tricycle drivers, dahil isa aniya sila sa pinaka-available na public transport sa bansa.

Sa panig naman ni Senador Padilla, nagpasalamat siya sa mga taga-Maasin City dahil nag-numero uno siya sa lugar noong nagdaang halalan.

Natutuwa naman ang dalawang Senador na patuloy ang pagbangon ng mga residente sa siyudad matapos tamaan ng Bagyong Odette noong nakaraang taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *