Luzon

Go, positibo sa malakas na PH-US relations, matapos ang ‘fruitful’ meeting ni Duterte sa US Defense Secretary; Paglift sa VFA termination, welcome

Positibo si Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa naging resulta sa pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States Defense Secretary Lloyd Austin III, at sinabing naiparating na ng pangulo ang kanyang mga sentimyento sa naturang event.

“‘Yung sa US naman po, I was there kagabi. Maganda po ang naging usapan ni US Defense Secretary Lloyd Austin III at ni Pangulong Duterte… mismo pong si Pangulong Duterte, marami siyang gustong ilabas na kanyang kinikimkim na kanya pong naiparating sa bansang Amerika (sa meeting) kaya maganda naman po ang naging usapan nila,” pagbabahagi ni Go.

Ang Pilipinas ay ang huling bansa na dinalaw ng U.S. Defense Secretary sa sunod-sunod nitong pagbisita sa Association of Southeast Asian Nations member-states.

Noong Huwebes nang gabi nang nag-courtesy call ito sa pangulo.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Duterte ang pagbawi sa abrogation ng Visiting Forces Agreement.

“Okay naman dahil ang kanyang mga kinikimkim ay nailabas na po niya and I’m sure mas magkakaroon tayo ng mas maganda at stronger relations with the U.S. and hopefully also with the lifting of the termination po ng VFA ay mas lalong magiging maganda pa ang relasyon ng bansang Amerika at bansang Pilipinas bilang magkaibigang nasyon,” dagdag ni ng senador.

Binigyang diin ni Go na ang positibong developments mula sa pulong ay magreresulta ng mas malakas na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Dagdag nito, na sa panahon ngayon ng global crisis, mahalaga na paigtingin ang core strategic interests ng Pilipinas, at pagtibayin ang independent foreign policy ng pagiging kaibigan sa lahat at walang kaaway.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago