Go sa LGUs: Maging creative sa paghihimok sa constituents na suportahan ang vaccine rollout

Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go  ang mga local government units partikular na sa Visayas at Mindanao na bumuo ng creative ideas para mapaigting ang kanilang vaccination efforts at mapabilis ang rollout, upang maabot ang mas malawak na populasyon, alinsunod sa prioritization order.

Kaugnay nito, hiniling ni Go sa mga LGUs at otoridad na in charge sa vaccine rollout na tiyaking ang mga bakuna na kanilang hawak ay agad na maipapamahagi at magagamit para sa mga eligible sa inoculation.

Kasabay nito, hinikayat ng senador ang mga miyembro ng vaccination priority groups, partikular na ang mga senior citizens, na magpabakuna na upang mapanatili ang expansion ng national vaccination program.

Maliban dito, pinaalalahanan ni Go ang mga nabakunahan nang indibidwal na kompletuhin ang kanilang COVID-19 doses, kasabay ng magmumungkahing paigtingin ang vaccine information campaign para mahikayat ang mga ito na bumalik para sa second dose.

“Meron naman tayong district hospitals. Tanungin n’yo muna sa kanila. ‘Wag kayong matakot dahil naka-set na po ang second dose. Halimbawa, Sinovac, four weeks po (in between two doses). AstraZeneca, 8 to 12 weeks po. So, sumunod po kayo sa ating paalala dahil baka kulang ang first dose, ‘di n’yo pa (na develop) ang antibodies,” paliwanag ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *