Go suportado ang panawagang pagsuspende sa operasyon ng e-sabong

Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga panawagan ng kanyang mga kasamahan na pansamantalang itigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagkawala ng 31 sabungeros.

Nabatid na sa inihaing resolusyon ng mga senador sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, hinihiling nito na i-freeze ang mga lisensya na iginawad sa mga kumpanyang humahawak ng “e-sabong”.

Kasabay nito hinimok din ng senador ang PAGCOR at iba pang regulatory bodies ng gobyerno na suriin ang kanilang mga polisiya at tiyaking ganap ang pagsunod sa mga kinakailangan sa seguridad, surveillance at records para maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.

Muli naman umapela si Go sa publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga nawawalang sabungero, at sinabing buhay ang nakasalalay sa kaso ng mga nawawalang tao.

Nanawagan din ang senador sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation, sa agarang poagresolba sa naturang usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *