Go tiniyak ang suporta sa Filipino Athlete, kasabay ng paghahain ng resolusyon sa Senado para bigyang pugay si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go ang patuloy na suporta sa mga atletang Pinoy.

Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng paghahain ng  senate resolution para bigyang pugay si pinay weightlifter Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics.

Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Go na ipinakita ni Diaz ang determinasyon na lumalarawan sa pagiging competitive ng mga Pilipino.

Inihayag din ng Senador na laging bukas ang kanyang opisina sa mga atleta sa kahit anumang tulong, pinansiyal o ano pa mang assistance na pwedeng naiyang mabigay.

Magugunitang noong 2019 malaking papel ang ginampanan ni Senador Go para makakuha ng P2-million sponsorship arrangement sa pagitan ng Phoenix Petroleum Philippines at Diaz kung saan ginamit ito ng Pinay para sa kanyang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

“Nais ko pong ipagbigay alam po na ako po’y nandirito lang po na nasa likod, handang tumulong sa tahimik na paraan. Bukas po ang aking opisina sa kahit anumang tulong, pinansiyal o ano pa mang assistance na aking pwedeng mabigay even in my own personal capacity,” pagtitiyak pa ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *