Gobernador ng Albay, pabor na tuluyan nang maibalik ang ‘face to face classes’ sa buong lalawigan

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Governor – Francis Bichara na pabor siyang maibalik nang muli ang face to face classes ng mga mag-aaral sa buong lalawigan ng Albay.

Ginawa ng gobernador ang pahayag makaraang matanong sa isang forum tungkol sakanyang pananaw hinggil sa tuluyan nang pagbabalik eskwelahan ng mga estudyante sa lalawigan.

Ayon sa opisyal, naniniwala umano siyang mahalaga ang pagkakaroon ng “social interaction” ng mga estudyante sakanilang guro at mga kapuwa mag-aaral na matagal nang hindi nararanasan ng mga ito buhat nang magkaroon ng pandemya.

Dagdag pa nito, patuloy na din aniyang nakakapagtala ng mababang kaso ng sakit ang probinsya mula pa nitong mga nagdaang linggo kung kaya’t nararapat nang maibalik ang nasabing sistema ng pag-aaral.

Ganunpaman, binigyang diin nito na hindi pa rin maaaring mag desisyon o magpasya ang lokal na gobyerno hinggil dito, dahil tanging ang Inter Agency Task Force lamang ang otorisadong magpasya sa pagbabalik ng face to face classes.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *