Gobyerno, inaasikaso na ang labi ng 2 Pilipino na binitay sa China dahil sa drug trafficking

Inaasikaso na ng Philippine Consulate sa Guangzhou, China ang repatriation ng mga labi ng 2 Pilipino na binitay sa naturang bansa dahil sa drug trafficking.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, inaasahan na maiuuwi ang mga labi ng 2 Pilipino ngayong linggo.

Matatandaan na naaresto ang dalawa noong 2013 dahil sa kasong drug trafficking at nahatulan noong 2016.

Inapela pa ng Pilipinas na maibaba ang hatol sa habang buhay na pagkabilanggo pero nanaig ang hatol ng Korte sa China.

Una na ng hiniling ng Pamilya ng dalawang binitay na huwag pangalanan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *