Gobyerno, magbibigay ng 5,000 doses ng COVID-19 vaccine sa mga minimum wage earners at OFW’s sa Labor Day

Nakatakdang magbigay ang pamahalaan ng 5,000 doses ng COVID-19 vaccines sa mga minimum wage earners at Overseas Filipino Workers sa ilalim ng A4 priority groups sa Labor Day.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang planong pagbabakuna sa mga nasabing manggagawa at OFW’s ay mayroon nang go signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Aniya, magsisilbi itong “symbolic immunization activity” para sa mga manggagawang nasa ilalim ng A4 Priority Group.

Kaugnay nito, bubuo naman ng master list ang Department of Labor and Employment (DOLE) bago simulan ang pamamahagi ng nasabing bakuna upang matiyak na patas ang pamimigay nito sa labor sector.

Mababatid na kamakailan ay inilabas na ang opisyal na listahan ng mga Pilipinong pasok sa A4 priority na siyang susunod na makakatanggap ng covid-19 vaccine. | Clay Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *