Gobyerno, target na magsagawa ng Bayanihan, Bakunahan drives, buwan-buwan – NVOC

Target ng gobyerno na magsagawa ng “Bayanihan, Bakunahan” drives buwan-buwan sa ilang lugar para mapaigting ang vaccination rate ng bansa.

Kinumpirma naman ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje na inaaral na ng gobyerno ang iba’t-ibang stratehiya para mapaigting ang inokulasyon sa bansa lalo na para sa A2 group na kinabibilangan ng senior citizens.

Ayon kay Cabotaje, tinatayang nasa 2.5 million senior citizens pa ang nanatiling unvaccinated.

Base sa datos ng National COVID-19 vaccination dashboard ay makikita na tinatayang nasa 5-million seniors na ang nakatanggap ng at least one dose habang nasa 6.2-million naman ang fully vaccinated.

Tinatayang nasa 1.5-million na seniors naman ang nakatanggap na ng booster shots.

Samantala, inihayag ni Cabotaje na nasa mahigit 1.5-million na indibidwal na ang nabakunahan sa third wave ng “Bayanihan, Bakunahan” program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *