Gold bar, ginawang ‘engagement gift’ ng isang 4-year old na batang lalaki sa kaniyang kaklaseng babae

Isa sa magandang katangian na maituturo natin sa mga  kabataan ang pagiging mapagbigay sa iba.

Kung ikaw ay isang magulang na, ang ganitong sitwasyon ay magiging daan para masabi mong ‘proud parent’ ka.

Ngunit, sabi nga nila ang lahat ay mayroong hanggangan, kaya naman pano na lamang kung ang mapagbigay mong anak ay nagbigay ng isang gold bar sa kaniyang babaeng kaklase?

Ganito kasi ang nangyari kamakailan sa China, na mistulang mailalarawan na cute scene ng karamihan.

Isang 4 na taong gulang na bata ang nagbigay ng isang ‘gold bar’ sa kaniyang kaklaseng babae na nagsilbi umano ito bilang isang engagement gift.

Dahil rito agad na nakipag-ugnayan ang magulang ng batang babae na napagbigyan ng gold bar sa magulang ng batang lalaki.

Napag-alaman na ang naturang ‘gold bar’ ay nakatakda palang ibigay dapat sa magiging asawa ng batang lalaki sa hinaharap.

Nalaman din na nagkakahalaga ang gold bar ng P835,140 kung i-coconvert sa peso.

Kaya naman, kinagiliwan ito online at talagang ikinatuwa ng ilang mga netizen.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *