Golden Mosque sa Quiapo, handa na para sa Ramadan

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglilinis ng Golden Mosque sa Quiapo para sa inaasahang pagdagsa ng mga Muslim ngayong Ramadan.

Hiling ng mga Pilipinong Muslim na sana’y maideklarang holiday ang pagsisimula ng kanilang banal na buwan.

Samantala, inanunsiyo naman ni Bangsamoro mufti Abdulrauf Guialani kagabi na opisyal magsisimula ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim sa Araw ng Martes, March 12, 2024.

Una nang nilinaw ng Malakanyang na peke ang dokumentong nagdedeklarang holiday ngayong March 11.

Sa kabila nito, inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na nakikiisa siya sa mga muslim sa pagdaraos ng Ramadan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *