Gordon, ibinuhos umano ang PDAF sa PRC para hindi ma-monitor ng COA – PRRD

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa utos nito sa Commission on Audit na silipin ang mga gastos ng Philippine Red Cross.

Sa isang recorded speech ng Pangulo na inere kagabi, ay inakusahan niya si Senator Richard Gordon ng pag-park ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito sa PRC.

Anya, hinalo umano ng senador ang PDAF nito sa finances ng PRC, upang hindi masilip ng COA kung paano ito ginastos.

Sinabi ng Pangulo na hindi matatakasan ni Gordon ang constitutional mandate nito.

Sa ngayon ay aminado ang Pangulo na hindi nito mahahabol si Gordon dahil sa hindi nito pagpapasa ng financial reports.

Mababatid na sinimulan ng Pangulo ang sunod-sunod na banat nito kay Gordon matapos gisahin ng Senate blue ribbon committee ang Pharmally, na konektado umano sa isang presidential adviser at pati na rin ang dating election lawyer ng Punong Ehekutibo na si Christopher Lao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *