Gov. Lagman, pinabulaanan ang mga akusasyon sakanya ng umano’y isang jueteng bagman

LEGAZPI CITY – Nagsalita na si Albay Governor Atty. Edcel “Grex”Lagman hinggil sa mga kasong isinampa sakanya ng umano’y isang jueteng bagman sa lalawigan.

Sa press conference kahapon sa Governor’s House, pinabulaanan ni Lagman ang mga paratang sakanya self-confessed jueteng bagman at dating barangay chairman ng Brgy. Anislag, Daraga na si Alwin Nimo.

Ayon sa gobernador, kasinungalingan lamang ang lahat ng mga reklamong isinampa ni Nimo laban sakanya, tulad ng umano’y pagtanggap niya ng payola na galing sa jueteng noong siya ay nanunungkulan bilang bise-gobernador ng lalawigan.

Binigyang-diin niya, wala naman siyang natatanggap na kahit isang sentimo.

Salungat ito sa akusasyon ni Nimo na tumatanggap diumano ang gobernador ng aabot sa PHP8M na bribe mula sa mga operator ng jueteng.

Maliban dito, naniniwala rin si Lagman na pamumulitika o politically motivated ang mga kasong kanyang kinakaharap ngayon, at dahil umano ito sa paninira sa kanyang pangalan, kung saan nais ng taong nasa likod nito na mawala ang mga Lagman sa buong lalawigan.

Samantala, sinabi rin ni Lagman na kailangang patunayan ni Nimo ang kaniyang mga akusasyon, lalo na pagdating sa sinasabi nitong deposit slip.

Ayon sa gobernador, hindi ito sapat na ebidensya dahil hindi masasabi na ang mga deposit slip ay mga pera na mula sa jueteng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *