Gov. Rosal, nakipag-usap sa NEA kaugnay sa problema sa kuryente sa Albay

LEGAZPI-Personal na nagtungo sa opisina ng National Electrification Administration (NEA) sa Quezon City ang gobernador ng Albay para gumawa na ng hakbang may kinalaman sa problema sa kuryente sa lalawigan.

Sa anunsyo ng gobernador, sinabi nito na kailangan magpatawag ng general membership meeting (AGMA) para pag-usapan ang aksyon na gagawin kontra sa ALECO na ngayon ay APEC.

Hiniling din nito na magkaisa ang mga labayanos maging mga local ecexutives para magawann  na ito ng aksyon.

Sa hiwalay naman na anunsyo ni Albay Vice Governor Edcel Grex Lagman, maninindigan naman ang Provincial government of Albay sa kung ano ang tama.

At naniniwala sya na masosolusyunan ang nasabing problema sa pamamagitan ng collective and concerted effort kasama ang National Electrification Administration (NEA).

Bilang umano Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA), sinisiguro nya na lahat nghakbang ang tama at susuportahan nila ang lahat ng board members sa nasabing adbokasiya.

Marami naman na albayano ang natuwa at umaasang sa pag upo ng bagong administrasyon, matutuldukan na ang problema sa mataas na electric bill at patay-sinding serbisyo ng APEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *