Governor Dennis Pineda, may bwelta sa mga tumutuligsa sa panibagong extension ng EO5

May bwelta si Pampanga governor Dennis Pineda sa mga tumutuligsa sa muling pagpapalawig ng Executive Order number 5, o pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols sa lalawigan.

Ayon sa gobernador, hindi ito ang panahon ng sisihan kundi panahon dapat ng pagtutulungan.

Ang kahilingan din anya ng mga alkalde na palawigin pa ang EO number 5 ay dahil sila ang mas nakakaalam sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Mababatid na na-extend ang EO number 5 hanggang May 15 matapos ang kahilingan ng mga mayor sa Pampanga.

Muling nilinaw ng gobernador na hindi sakop ng curfew hour ang mga nag nenegosyo, at nagtatrabaho.

Ang tanging pinagbabawalan lang lumabas ay ang mga tumatambay, nag iinuman, at nangangapitbahay na wala namang importanteng pakay.

Sa huli sinabi nito na ang panibagong extension ng EO number 5 ay para sa kabutihan ng mga Kapampangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *