Local News

Governor Padilla naniniwalang kayang ipagpatuloy ang No Balance Billing policy sa mga pampublikong ospital sa lalawigan sa mga susunod na taon

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Governor Ricarte “Dong” Padilla na kayang ipagpatuloy ang No Balance Billing Policy na ipinapatupad ngayon sa mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Camarines Norte.

Simula umano nang siya may maupo sa pwesto noong Hunyo 30, 2022 ay sinimulan ang polisiya para sa lahat ng pasyente na dinadala sa Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital at Capalonga Medicare Community Hospital.

Gayunman ang malaking katanungan pa rin umano sa ngayon ay kung paano ito ma- sustain sa susunod pang dalawang taon o hanggang 2025 sa pagtatapos ng kaniyang termino

Sa isinagawang Health Summit nitong Biyernes, March 4, sinabi ni Padilla na ngayon ay nakikita na niya ang liwanag na posibleng ma- sustain talaga ang no balance billing policy sa tulong ng Philippine Health Insurance Corporation.

Dinaluhan ang Health summit ng mga Alkalde, Municipal Health Officers, Municipal Budget Officers, Municipal Planning Officers, Sangguniang Bayan Committee on Health, Department of Health at ng mga kinatawan mula sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Umapela ang Gobernador sa lahat nang dumalo sa summit na magtulong- tulong para matugunan ang problema lalo na ng mga mahihirap para magkaroon ng access sa maayos at affordable healthcare.

Sa pamamagitan umano ng pagtutulungan ng Provincial Government, Philhealth at DOH ay pwedeng maranasan din ng mga mahihirap ang gamutang nararanasan lang ng mga mayayaman.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago