Gov’t., magsasagawa ng symbolic vaccine rollout para sa A4 priority group sa June 7

Nakatakdang magsagawa ng symbolic vaccine rollout ang pamahalaan para sa A4 priority group sa June 7. 

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., dadaluhan ito ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga secretary.

Kasabay nito, magsasagawa rin ng simultaneous events ang local government units dahil hinihintay na rin ng mga LGUs ang pagbabakuna sa kanilang mga economic frontliners at government workers. 

Sa kabila ng pagsasagawa ng symbolic vaccine rollout para sa A4 workers, ibinunyag ni Galvez na ang actual rollout ay sisimulan sa oras na dumating na sa bansa ang bulto ng mga COVID-19 vaccine supplies mula sa COVAX Facility.

Sa oras na magsimula ang rollout, sinabi ni Galvez na ang prioritization ng A4 group ay ibabatay sa edad. 

Ang mga manggagawa umano na 40 anyos pataas ay nagte-take ng maintenance medicines at vulnerable sa mga sakit gaya ng COVID-19.

Pwede umaong gamitin ng LGUs ang nasabing prioritization policy.

Dagdag ng opisyal, pinasimple na ng pamahalaan ang prioritization policy sa A4 group dahil kailangan ng LGUs na maging mas flexible sa vaccination program. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *