Govt, pinag-aaralan pa ang pagbibigay ng back pay para sa naunang na-demote na nurses

Inamin ng gobyerno na pinag-aaralan pa nila ang posibilidad na pagbibigay ng back pay para sa mga public hospital nurses na na-demote dahil sa now-overturned memorandum circular na inilabas noong nakaraang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tila kulang ngayon ang pondo para tugunan ang panawagan ng mga nurses, pero nagdesisyon umano ang Office of the Executive Secretary pabor sa kanila na ito ay posibleng maisama sa 2022 budget.

Mababatid na sa memo na may petsang June 1, binawi ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 2020-4 ng Department of Budget and Management na inilabas noong July 2020, kung saan binago ang mga posisyon ng Nurses II hanggang VII, at ibinaba ang kanilang ranks, para maipatupad ang higher minimum salary para sa entry-level nurses, alinsunod sa kautusan ng Supreme Court.

Maliban sa reversal, sinabi ni Medialdea na ipinag-utos rin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataas sa sahod ng Nurse II position mula sa SG 15, na kaparehong entry-level sa SG 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *