Govt, planong idagdag ang mas marami pang bansa sa ‘red list’

Plano ngayong ng gobyerno na magdagdag ng mas marami pang bansa sa “red list” sa gitna ng banta ng bagong Omicron COVID-19 variant.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, imumungkahi nila ang karagdagang mga bansa, batay sa detection ng Omicron variant, pero kailangan umano nila itong ibalanse mula sa case trends.

Paliwanag ni Vergeire, ang kanilang assessment ay kabilang sa incidence rate kung saan saklaw ang frequency ng COVID-19 infection sa specific areas sa loob ng ilang period, matapos madetect ang Omicron variant.

Binigyang diin naman nito na ang bansa na may natukoy na kahit isang mas nakakahawang variant na maari paring magpakita ng low incidence rate, ay hindi nangangahulugan na hindi maisasama sa red list. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *