Human Interest

Grade 7 student sa Illinois, gumawa ng ventilator gamit ang laruang “Lego” para sa mga COVID-19 patients

WINNETKA, ILLINOIS—Isang henyong maituturing ang naging imbensiyon ng Grade 7 student at 12-anyos na si Anthony Hartman matapos siyang gumawa ng ventilator para sa mga COVID-19 patients gamit lamang ang laruang “Lego”.

Ayon kay Hartman, noon pa man ay mahilig na siyang mag imbento at magbutingting ng mga bagay-bagay simula nang siya ay magka isip.

Naisipan niyang gawin ang naturang imbensiyon matapos na mabalitaan ang shortage o kakulangan ng mga ventilators sa kanilang lugar dahil sa dami ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Nalaman niya rin ang paggawa ng ilang mga unibersidad ng mura at abot kayang respirator units kaya’t ninais niyang gumawa ng sariling bersiyon nito “with a twist” kaya gumamit siya ng laruang Lego.

Inabot ng ilang linggo si Hartman para tapusin ang kanyang imbensiyon at nang mabuo niya ito ay kanya itong tinawag na “EVentilator2020.”

Sa ngayon, balak ng batang henyo na isumite ang kanyang imbensiyon sa LEGO upang maikalat ang kanyang bersiyon ng ventilator nang sa gayon ay makatulong sa mga pagamutan sa liblib na lugar na nakakaranas ng kakulangan ng suplay ng ventilators ngayong nagpapatuloy pa rin ang pandemya. | JUMEL DELA ROSA

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago