Grader, nahulog sa bangin; operator, patay

Patay ang isang grader operator matapos mahulog sa bangin bandang ala-una ng hapon nitong Biyernes, Ika-16 ng Pebrero sa Sitio Apak-Pari, Brgy. New Canipo, San Vicente, Palawan.

Ito ay kinilalang si Vicente Heredero, 56 anyos at residente sa Manalo Ext., Brgy. Milagrosa, Puerto Princesa City.

Ayon umano sa Foreman ng Provincial Engineering Office, iniwasan ni Vicente ang dump truck na bumubuhos ng graba dahilan para dumeretso ito sa bangin.

Samantala, sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima pero ideneklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *