Graduation attire simpelahan lang ayon sa DepEd

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Department of Education na hindi dapat magarbo ang kasuotan sa end-of- school year rites o sa mga graduation at moving- up ceremony.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Division Information Officer Antonio Ahmad, inihayag nito na wala namang ini- impose na kasuutan ang DepED sa graduation o moving up ceremony basta hindi ito dapat “excessive o “extravagant,” alinsunod sa umiiral na DepEd Order. Depende na umano ito sa mapag- uusapan ng mga magulang kung magsusuot ng toga o school uniform na lang basta’t ang importante ay walang mapag- iiwanan.

Hinimok naman ng departamento ang mga magulang na dumalo sa mga pagpupulong upang maunawaan ang mga pag- uusapan. Sa panig naman ng eskwelahan ay dapat umano nitong ilatag kung ano ang pinakasimple para maiwasan ang malakihang paggastos. Isasagawa ang mga graduation at moving- up ceremony mula May 29 hanggang May 31 ng taong kasalukuyan susog sa school calendar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *