Graduation Rites sa Kor, magiging simple

KORONADAL CITY – MAGIGING simple at solemn ang magiging graduation rites ng mga estudyante ngayong School Year 2023-2024. Ito ang inihayag ni OIC Division Superintendent Roberto J. Montero ng DepEd Koronadal City Division sa panayam ng 95.7 kung saan wala ng dapat bayaran ang mga estudyante dahil kanilang gagamitin ang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.

Ayon kay Montero, kanila ng pinaalalahanan ang mga schools na gamitin ang kanilang Annual Improvement Plan o AIP upang maging maayos ang sitwasyon sa paggamit ng MOOE. Iniutus naman umano nito ang paggamit sang AIP dahilan na naipagbaliban nang mas pinaaga ang graduation rites. Muling nilinaw ni Montero, na hindi komokolekta ang mga paaralan dahil mahigpit nilang ipinapatupad ang “No Collection Policy”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *