Grass Fire, sumiklab sa Bula Camarines Sur

NAGA CITY- Linamon ng apoy ang halos nasa dalawang ektarya ng kalupaan sa Bula, Camarines Sur. Nabatid na pasado alas-6 Marso 31 pa ng gabi nagsimula ang apoy at na fire-out bandang alas-10 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Bula lumawak ang sunog hanggang sa may Maharlika Highway ng Sitio Pecuaria, Brgy Lanipga, sumiklab muli ang apoy o nag-rekindle. Dahil sa hangin lumaki ang epektado, kasama sa mga nasunog ang mga fruit bearing trees at tubuhan, April 1 ng hapon nang muling magdeklara ng fire out. Ayon kay SFO3 Dennis Mendez, napabayaang siga ng mga sanga ng kahoy ang naging rason.

Nagtulong-tulong ang mga bumbero mula sa nasabing bayan at karatig lugar kasama pa ang Province of Camarines Sur Fire and Rescue. Nag assist din sa trapiko ang pulisya lalo na nabalot ng usok ang kalsada. Pinag-iingat ng BFP ang publiko dahil hindi lamang tuwing Marso dapat na iiobserba ang fire prevention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *