Great San Jose, muling naiuwi ang gintong medalya sa Volleyball Girls Elementary Level

Balayan, Batangas – Muling nasungkit ng Great San Jose ang gintong medalya para sa Volleyball Girls Elementary Level sa naganap na Division meet 2024.

Ang mga batang manlalaro ay sina, Zianthal Faith Alday, Irish Nicole Porlay, Kate Irish Panganiban, Trixie Macaraig, Christine Bho, Loraine Andrea Mendoza, Brianna Caylee Collado, Shaera Kate Medrano, Hannah Mariz Marquez, Jemelyn Garcia, Althea Carandang, at si Aliah Morales.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Zianthal Faith Alday, ang team captain ng kanilang grupo, lubos daw ang kanilang kagalakan dahil sila ang nanalo.

Ayon pa kay Zianthal, noong nakaraang taon daw ay nakaabot na rin sila sa Palarong Pambansa na kung saan ay itinanghal sila bilang 3rd placer.

Payo naman niya sa mga kabataang nagnanais ding makapasok sa ganitong larangan ng volleyball, palagi raw mag ensayo at huwag agad sumuko.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang paghahanda ng Great San Jose para sa kanilang susunod na laban sa Regional Meet kung saan susubukan ulit mag-qualify sa Palarong Pambansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *