Great wall Chinese militia sa Julian Felipe reef unti-unti nang nabawasan

Nabawasan at halos 30 na lang ang mga barko na binansagang great wall Chinese militia sa Julian Felipe reef.

Bagamat nabawasan pinuna pa rin ng ilang Kongresista ang aksyon ng mga awtridad para mapanatili ang presensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tristan Tarriela, naging epektibo ang kanilang ginagawang operasyon dahil nabawasan ang mga barko ng China sa Julian Felipe reef.

Sinabi rin ng Armed Forces of the Philippines at PCG na ginagawa nila ang kanilang makakaya sa limitadong resources.

Pinuri naman ni Rep. Neptali Gonzales II ang mga nagpo-protekta sa WPS sa tila David vs. Goliath na sitwasyon pero tutol siya sa pahagyag umano ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr.  na hindi kayang itaboy ng Pilipinas ang mga barko ng China.

Nangako naman ng suporta at pondo ang mga Kongresista para mapanatili ang seguridad sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *