Ground breaking ng Solar Powered Deep Well sa Brgy. Taysan, Legazpi City sinagawa

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ng City Local Government Unit (LGU) Legazpi ang Ground Breaking Ceremony sa Resettlement Area ng Barangay Taysan para sa Proposed Construction ng Solar Powered Deep Well.

Pinangunahan ni Mayor Noel Rosal ng legazpi kasabay sina Barangay Kapitan Renato Valladolid, Vice Mayor Bobby Cristobal, City Engineering Clemente Ibo, Department of head ng lokal na Gobyerno at iba pang myembro ng Sangguniang Panglungsod.

Ayon kay Rosal, kahilingan ng nabanggit na Barangay na madagdagan ang kanilang supply ng tubig dahil sa dumarami na ang naninirahan sa resettlement area ng nasabing barangay.

Aabot sa halagang P3.4M ang inilaan na pondo para sa pagkonstruksyon ng solar powered deep well at mayroong din na lalim na 280ft.

Ang nasabing ekipahe ay mayroong 3 horse power, 12 solar panel, at 6 batteries at iba pa.

Aniya, sa oras na matapos ang konstruksyon na ito ay malaking tulong na rin sa mga residente upang mabigyan ng supply ng tubig.

Dagdag pa nito, maliban sa nasabing barangay mayroon din nakatakdang paglalagyan ng kaparehong proyekto sa iba pang barangay ng lungsod.

Nagpasalamat rin si Renato Valladolid ng Barangay Taysan na ang kanyang kahilingan ay maisasakatuparan din nito ang magkaroon pa ng dagdag na supply na tubig upang mapunuan ang pangangailangan ng mga residente sa pang araw araw.

Aabot din kasi sa mahigit sa 900 household ang naninirahan sa resettlement area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *