Grupo: hindi Charter change ang makatutugon sektor ng edukasyon

Nanindigan ang national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition na si Benjo Basas na hindi kinakailangan ng foreign ownership para tumaas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ito ay makaraang lumusot sa Committe of the Whole ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Resolutions of Both Houses No. 7 na layong amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon kabilang na ang public utilities, advertising, at basic education na isa sa mainit na pinag uusapan.

Ayon kay Basas, dapat mas paunlarin ang sistema ng edukasyon na libre at mas accesible sa mga mamamayang pilipino.

Dagdag pa niya, napakarami na umanong batas ang pwedeng umayos sa kalidad ng edukasyon na hindi kinakailangan ng constitutional amendments.

Binigyang-diin din ng National Chairperson ang sinasabi ng saligang batas na “education must inculcate patriotism among the youth”.

Aniya, papaano na ang Filipino Patriotism pag dayuhan na ang nagmay-ari ng mga institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *