Grupo – kinontra ang munkahing total ban sa paggamit ng firecrackers at fireworks

Tila magiging kakaiba raw ang pagdiriwang ng New Year ngayon, kaysa sa mga nagdaang taon.

Ito ay kasunod ng plano ng gobyernong ipatupad ang total ban sa mga firecrackers o paputok.

Ayon kay Philippine Fireworks Association, Inc. (PFA) President Joven Ong, hindi dapat magpatupad ng total ban sa paputok at pailaw.

Sa halip na pagbawalan ang mag firecrackers, iginiit ni Ong na ang dapat gawin ay pigilan ang mga operasyon ng iligal na nagbebenta nito.

Karamihan aniya sa mga smuggled na paputok ay galing sa China.

Dahil dito, nananawagan sila sa pamahalaan na tulungan silang maisalba ang industriya.

Sa huli, binigyang-diin ng lider na kapag ipinatupad ang total ban, para sinuportahan na rin ng gobyerno ang mga illegal manufacturers.

Kung matutuloy raw kasi ang total ban, padadapain nito ang hindi bababa sa 100,000 mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *