Grupo, kinuwestiyon ang extension ng mababang taripa sa ilang agri-products

Kinukwestiyon ng Federation of Free Farmers (FFF) ang muling pag-extend ng Executive Order 10 para sa mababang taripa sa mga imported rice gayung malaki na ang nawawala sa industriya ng mga magsasaka dahil dito.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay FFF National Manager Raul Montemayor, sinabi nito na hindi pabor para sa mga magsasaka ang pagpapalawig nito.

Ayon kay Montemayor, aabot lamang apat na porsyento ng suplay ng bigas sa bansa ang naitutulong ng mga inaangkat mula sa mga bansa sa Asya.

Imbes daw kasi na makatulong ito ay nakadaragadag sa laki ng nawawalang pondo matapos na babaan din ang taripa sa bansang pinagkukunan sa labas ng Asya.

Sa ngayon, pinangangambahan ng FFF ang lubhang kakulangan sa suplay ng bigas sa second quater ng taon na dapat pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan dahil sa inaasahang epekto ng strong El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *