Grupo ng human rights advocates, umapela sa CHR na imbestigahan ang pagkamatay ng mga NDF consultants

Pinaiimbestigahan ng isang grupo ng human rights advocates sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakapatay sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant na si Ericson Acosta at ng peasant na si Joseph Jimenez sa Negros Occidental.

Apela ng human rights alliance na Karapatan, dapat ay magkaroon ng independent investigation sa naunang report na ‘summary execution’ kina Acosta.

Ayon sa Karapatan, dinukot sina Acosta at Jimenez sa Negros Occidental ng mga tauhan ng 94th and 47th Infantry Battalions of the Philippine Army – taliwas sa ulat.

ng mga militar na agad na namatay ang dalawa sa engkwentro.

Dagdag ng Karapatan, nasa Kabankalan City si Acosta upang kumustahin ang kondisyon ng mga magsasaka kasabay ng military operation sa lugar.

Sa pahayag ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay, sinabi nitong ang pagpatay sa mga biktima ay lumalabag sa NDFP-GRP Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), gayundin sa Republic Act No. 9851 on crimes against IHL, genocide and other crimes against humanity, na layuning protektahan ang karapatan ng mga civilian at ng parehong parties laban sa mga armadong hindi pagkakasunduan.

Si Acosta ay peasant advocate at consultant ng National Democratic Front of the Philippines, habang si Jimenez naman ay peasant organizer ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. // SMM

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *