Ilang araw na lang bago ang labor day, nanawagan ang National Wage Coalition kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify as urgent ang legislated wage increase.
Ayon sa grupo, mahigit apat na milyong Pilipinong minimum wage earner ang nagtatrabaho ng marangal pero nananatiling mahirap.
Anila, matagal ng dapat itinaas ang sahod ng mga mangagawa dahil kulang ang kasalukuyang minimum wage.
Panahon na raw para magschedule na ng hearing ang kamara para agarang maipasa ang legislated wage hike dahil na rin sa araw araw na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sa katunayan, ang 150 pesos na dagdag sahod ay katumbas na ng 3 kilong bigas at mapapakain na ang pamilya ng bawat manggagawa.
Nanawagan din ang grupo na hindi lang dapat pribadong sektor ang taasan ng sahod kundi pati na rin ang sa pampublikong sektor.
Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa International Criminal Court Ito…
Hinirang na pinakamagaling na chess player sa buong mundo sa girls under 12 years old…
Nilinaw ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes na walang katotohanan ang kumakalat…
Itinaas na ng Israel ang kanilanhg bandila sa Rafah bilang simbolo na kontrolado na nila…
CAMARINES NORTE - Binitbit ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang…
CAMARINES NORTE - Inilatag ng Department of Public Works and Highways ang listahan ng malalaking…