Grupo ng may mga down syndrome sa Naga City, bida at aktibo ngayong Valentine’s Day

NAGA CITY- Maliban sa araw ng mga puso, ipinagdiriwang din ngayong buwan ang National Down Syndrome Conciousness Month.

Sa Naga City, bida at aktibo ngayong araw ng mga puso ang grupo ng may mga down syndrome kung saan nagbebenta sila ng sarili nilang gawa na cupcakes at iba pang mga valentines items. Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Atty. Paul John Barrosa, Department Head ng Persons with Disability Affairs Office, suportado naman ng lokal na pamahalaan ang mga ito.

Katunayan, natutunan nila ang ganitong mga life skills dahil na rin sa pagtutok sa kanila ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Special Education (SPED). Ngayong National Down Syndrome Conciousness Month, mas palalakasin pa LGU Naga ang mga programa sa pagbibigay ng suporta sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *