Grupo ng mga health workers – tuloy sa apelang ibigay na ang kanilang mga health emergency allowance

Marami pa ring mga health workers ang hindi nabibigyan ng kanilang health emergency allowance (HEA).

Ito ang binigyang-diin ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza matapos ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na nasa 79% na ng mga healthcare workers ang nakatanggap ng naturang benepisyo.

Sa panayam ng Brigada News FMManila kay Mendoza, sinabi nitong may mga miyembro pa rin ng pribadong sektor at LGUs ang hindi nakatatanggap nito.

Samantala, iba-iba na aniya ang datos na inilalabas ng Department of Health (DOH) hinggil dito, dahilan para ipinanawagan na ng Department of Budget and Management ang pagsasaayos ng HEA mapping.

Nagbigay umano ng deadline ang DBM ang DOH para rito, pero hindi umano ito nasusunod ng health department.

Panawagan ni Mendoza sa DOH – maging bukas sa mga hinaing ng mga health workers hinggil sa tunay na kalagayan ng kanilang sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *