Grupo ng mga tricycle driver operators sa Naga City tinangkang imbitahan din sa planong pag-transport strike

NAGA CITY – Kinumpirma ni Barangay Kagawad Gil Belen, Federation President ng Trimobile Driver Operators Association sa Naga City na may nagtangka sa kanilang grupo na imbitahan sa pinaplanong transport strike na gagawin doon sa Metro Manila, ito’y sa isyu ng jeepney modernization at consolidation.

Ang imbitasyon ay mula pa sa grupo ng transportasyon sa nasyonal na ayon kay Belen ay tinanggihan niya, batay na rin sa desisyon ng mga kasamahan niya sa sector sa mga una nilang pagme-meeting hinggil dito.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Belen sinabi nito na hindi naman opisyal na imbitasyon ang kanilang natanggap dahil sa ipinadaan lamang ito sa group chat nila na sa kanyang pakiwari ay pinakikiramdaman sila at kinukuha ang kanilang sentemiento.

Pinaliwanag niya na hindi sila sasama anumang pagkilos dahil sa hindi naman sila direktang apektado ng jeepney monetarization at ang kanyang paliwanag ay naunawaan naman ng kanilang grupo sa Metro Manila.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *