Grupong FEJODAP, nakisimpatiya sa mga nagpoprotesta tsuper at operators

Nilinaw ng transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na hindi sila kasali sa ikinasakang tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA ngayong araw.

Ayon kay FEJODAP national president Jephraim Gochangco, hindi man sila kasali, nakikisimpatya sila sa mga taong nagpoprotesta kaugnay sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Aniya, ang ginagawang laban naman kasi ng mga transport groups ay laban ng pangkalahatan.

Sinabi rin nito na wala namang hindi problemado para sa consolidation.

Sa huli, binigyang-diin ni Gochangco na ang mahalaga – madugtungan ang kanilang prangkisa sa susunod na taon; matiyak na makababiyahe pa ang mga operators; at hindi maapektuhan ang publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *