Grupong MANIBELA muling nagbanta ng tigil-pasada

Nagbanta ng extended tigil-pasada ang grupong MANIBELA hanggang sa susunod na linggo.

Iyan ay kung hindi pa rin babawiin ng gobyerno ang deadline sa pagbuo ng kooperatiba bilang bahagi ng modernisasyon ng mga jeepney.

Sa December 31 sisimulan ang pagbuo ng kooperatiba para sa mga driver at operator ng dyip.

Ito rin ang petsya kung saan mawawalan ng prangkisa ang mga jeepney maliban na lang kung makapaghain na ng petisyon para makapag-consolidate.

Sinabi naman ng gobyerno na maghahanda sila ng libreng sakay sakaling matuloy na naman ang extended tigil pasada.

Gayunman hindi na ngangamba ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung gagarahe na ang mga miyembro ng MANIBELA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *