Guanzon, makikiisa sa House minority bloc sa 19th Congress

Inihayag ni retired poll commissioner at P3WD party-list Representative-elect Rowena Guanzon ang kanyang intensyon na makiisa sa minority bloc sa House of Representatives, para isulong ang mas malaking pondo para sa mga persons with disabilities at mga Pilipinong nakakaranas ng malalang karamdaman.

Ayon kay Guanzon, sasama siya sa minorya para matiyak na ang pondo ng naturang mga ahensya ng gobyerno ay makakakuha ng fair share, lalo na sa Health, PAGCOR, DSWD, at PhilHealth.

Paliwanag ng dating poll official na ang pagsama sa minority ay magpapahintulot sa kanya na sumali sa iba’t-ibang komite sa House of Representatives, gaya ng committees on health, social services, electoral reform, at makapangyarihang appropriations panel.

Binigyang diin din nito na ang pagiging bahagi ng minorya ay isang matapang na kanyang gagawin.

Maliban dito, ipapanukala rin ng incoming party-list representative ang batas na mag-aatas sa local government units na maglaan ng 5% ng localities’ total income para sa PWD concerns. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *