Guazon, umapela sa resulosyon ng Ombudsman laban sa kanya

Mag-aapila si dating Commission on Election commissioner Rowena Guanzon hinggil sa resolusyon ng Office of the Ombudsman na posibleng may paglabag siya sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Base sa resolusyon naglabas ng confidential information si Guanzon sa dalawang interview niya sa media noong 2022.

Kaugnay ito sa disqualification cases ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong siya ay kandidato pa.

Nag-ugat ang isyu sa reklamong inihain ni Atty. Ferdinand Topacio at Diego Magpantay ng citizen crime watch.

Sinabi naman ni Guanzon na hindi pa niya natatanggap ang kopya ng resolusyon.

Naniniwala aniya siya sa  integridad ng Ombudsman at giniit niya na wala umano siyang ginawang paglabag sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *